PAMANTASAN NG KATIPUNAN

Click here to edit subtitle

 

SINO SI ANDRES BONIFACIO

1.—Sino si Andrés Bonifacio?—Siya'y isáng tunay na pilipino na ipinan~ganak noong ika 30 n~g Nobiyembre n~g 1863 sa isang bahay na pawid sa pook na nasa sa harap n~g himpilan n~gayón n~g pero-karil sa daang Azcárraga, Tundó, Maynila. Ang kanyang amá'y nagn~gan~galang Santiago Bonifacio na ang hanap-buhay ay sastré at ang kanyang ina nama'y Catalina de Castro. M~ga taal na taga Maynilà.

2.—Nagkaroon ba siya n~g m~ga Kapatid?—Apat: sina Ciriaco, Procopio, Petrona at Troadio. Ang dalawang una at itong huli'y patay na at ang babai ay buhay pa. Ang babaeng ito ay siyang naging asawa n~g nasirang bayaning si Teodoro Plata, isá sa m~ga masikhay na kasama ni Andrés Bonifacio.

3.—Ano ang kabuhayan ni Bonifacio?—Ang kaniyang m~ga magulang ay m~ga taong dukha kaya't siya nama'y isang taong mahirap.

4.—Ano ang kanyang Napagaralan?—Siya'y nagaral sa paaralan n~g gurong si G. Guillermo Osmeña, sa pook n~g Meisik, Binundok, Maynila. Datapwa nang siya'y tumutuntong na sa ika 14 na taon, ay namatay ang kanyang m~ga magulang at dahil dito'y naputol ang kanyang pagaaral. Siya noo'y maalam nang bumasa at sumulat n~g wikang sarili (tagalog) at kastila.

5.—Ano ang kanyang ginawa n~g siya'y maulila na?—Upang siya'y mabuhay at sampu n~g kanyang m~ga kapatid, binatak ang sariling buto't siya'y nagbili n~g m~ga tungkod (baston) at m~ga pamaypay na papel na ginagawa niya sa loob n~g kanilang bahay. Gayon din ang ginawang hanap-buhay n~g kanyang m~ga kapatid.

6.—Ano pa ang kaniyang ginampanang gawain upang mabuhay?—Nang si Bonifacio'y nakapagsanay na sa pagsulat, siya'y nasok na utusan sa bahay kalakal ni Fleming, at pagkaraan n~g ilang panahon ay ginawa siyang kinatawan n~g nabanggit na bahay-kalakal sa pag-bibili n~g sahing, yantok, at iba pa.

7.—Nanatili ba siya sa tungkuling ito?—Hindi. Nang lumipas ang ilang panahon siya'y naging kawani (personero) sa bahay-kalakal nina Fressell & Co., na nalalagay sa daang Nueva, blg. 450. Maynilà. Ang sinasahod niya'y m~ga labingdalawang piso lamang sa isang buan. Patuloy pa rin siya sa paggawa n~g m~ga tungkod at pamaypay, na itinitinda n~g kanyang m~ga kapatid.

8.—Anong katan~gian, bukod sa kanyang hanap-buhay, ang tinataglay ni Bonifacio?—Siya'y mahiliging magsulat sa sariling wika at may magandang ayos ang kanyang sulat. Dahil dito, nakatutulong sa kabuhayan nilang magkakapatid ang paggawa n~g m~ga tatak at paunawa sa m~ga kayong ipinagbibili rito sa atin.

9.—Siya ba'y mahiligin sa pagbabasa n~g m~ga aklat?—Oo. N~guni't ang kaniyang kinahihimalin~gang basahin ay yaong m~ga aklat na nakapagtuturo n~g kabayanihan, tulad n~g Kasaysayan n~g himagsikan sa Pransiya, "Las Ruinas de Palmira," "Los Miserables," ni Victor Hugo, "El Judio Errante," Biblia, ang m~ga, aklat ni Rizal at ibá pa. Siya'y mahiliging totoo sa pagbabasa. May m~ga gabing halos di nakakatulog sa pagbabasá.

10.—Siya ba'y nagkaasawa?—Oo. Ang naging kabyak n~g kanyang pusó'y pinapalayawan n~g Oriang (Gregoria de Jesus) na ang sagisag "Lakambini," tagá Kalookan. Sila'y nagkaroon n~g isáng anák na namatay.

11.—Ano't idinadakila n~g Bayang Pilipino si Andrés Bonifacio at siya'y ipinalalagay na dakilang Bayani sa piling ni Rizal? —Sapagka't siya ang nagtayo at nahalal na pan~gulo n~g "Kataastaasan, Kagalanggalang Katipunan n~g m~ga Anak n~g Bayan," na pinagkautan~gan n~g Bayang Pilipino n~g kabayanihan sa pagusig n~g kaniyang ikalalaya. "May-pagasa" ang sagisag niyá na "nangyari" bago siyá mamatay.

Ang paghahanap ng labi ni Andres Bonifacio sa pangunguna ng kanyang kaibigan na si Masangkay.


                        ANG UNANG PANGULO NG KATAGALUGAN


Pagibig sa Tinubuang Bayan


1.

Aling pagibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pagibig sa tinubuang lupa?
¿alin pagibig pa? wala na nga; wala.

2.
Ulitulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng sangtinakpan ito ang mababatid.

3.
¡Banal na pagibig! pagikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino't alin man,
imbi’t taong gubat maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

4.
Pagpupuring lubos ang palaging gawad
ng taong mahal sa Bayan niyang liyag
umawit, tumula, kumatha’t sumulat
kalakhan din niya'y isinisiwalat.

5.
Walang mahalagang hindi inihandog
ng may pusong mahal sa Bayan niyang irog
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

6.
¿Bakit? ¿alin ito na sakdal ng laki,
na hinahandugan ng buong pagkasi,
na sa lalung mahal nakapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi?

7.
¡Ah! ito’y ang inang Bayang tinubuan
na siyang una’t tangi na kinamulatan
ng kawiliwiling liwanag ng araw
na nagbigay init sa lunong katawan.

8.
Sa kaniya ay utang ang unang paglangap
ng simoy ng hanging nagbibigay lunas
sa inis na puso na sisingap-singap
ng pinakadustang kanyang mga anak.

9.
Kalakip din nitong pagibig sa Bayan
lahat ng lalung mahal16
mula sa tuat aliw ng kasangulan
hangang sa katawa’y mapasa libingan.

10.
Ang nangakaraang panahun ng aliw
ang inaasahang araw na darating
ng pagkatimawa ng mga alipin
liban pa sa Bayan, ¿saan tatanghalin?

11.
At ang balang kahuy at ang balang sanga
ng parang niya't gubat na kaaya-aya
kung makita’y susagi sa alaala
ang ina’t ang giliw, lumipas na saya.

12.
Tubig niyang malinaw na anaki'y bubog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agus
nakaaaliw din sa pusung may lungkot.

13.
¡Sa aba ng mawalay sa tinubuang Bayan
gunita niya’y laguing sakbibi ng lumbay
walang alaala’t inaasam-asam
kung di ang makita'y ang lupa niyang mahal.

14.
Pati ng magdusa't sampung kamatayan
wari ay masarap kung dahil sa Bayan
at lalung maghirap, ¡oh! himalang bagay!
lalung pagirog pa ang sa kaniya'y alay.17

15.
Kung ang Bayang ito'y nasasapanganib
at kinakailangang siya’y ipagtankilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
sa isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

16.
Dapua’t kung ang Baya’y ang Katagalugan
na nilapastangan at niyuyurakan
katuiran niya’t puri ng tagaibang Bayan,
ng tunay na bangis ng hayop sa parang,18

17.
¿Di gaano kaya ang paghihinagpis
ng pusung tagalog sa puring na lait?
at ¿aling kalooban na lalung tahimik
ang di pupukawin sa panghihimagsik?

18.
¿Saan magbubuhat ang panghihinayang19
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay,
kung wala ding iba na kasasadlakan,
kung di ang lumagi sa kaalipinan?

19.
¿Kung ang pagkabaun niya’t pagkalugmok
sa lusak ng daya’t tunay na pagayop,
supil ng panghampas tanikalang gapos,
at luha na lamang ang pinaaagos?

20.
Sa anyo inyang ito’y ¿sino ang tutungha’y
na di aakayin sa gawang magdamdam?
pusong naglilipak sa pagkasukaban
ang hindi gumugol ng dugo at buhay.

21.
¿Mangyayari kaya, na ito’y malangap,
at hindi lingapin ng tunay na anak,
kung sa inang liig ay nasasayapak
ng mga kastilang gumanti ng hirap?

22.
¿Nasaan ang dangal ng mga tagalog?
¿nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
Baya'y inaapi, ¿bakit di kumilos,
at natitilihang ito’y mapanood?

23.
Hayo na nga, kayo, kayong nangabuhay
sa pagasang lubos ng kaginhawahan,
at walang tinamo kung di kapaitan,
hayo na’t ibigin ang naabang Bayan.

24.
Kayong natuyan na, sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib,
muling pabalungin, tunay na pagibig
kusang ibulalas sa Bayang piniit.

25.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak,
kahuy na sariwa, na nilanta’t sukat
ng balabalaki’t makapal na hirap
muling manariwa’t sa Baya'y lumiyag.

26.
Kayo mga pusong pilit inihapay
ng daya at bagsik ng ganid na asal,
ngayon ay magbangu’t nariyan ang Bayan, nariya’t humihibik, mga anak siya’y antay.

27.
Kayong mga dukhang walang tanging palad,
kung di ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang Bayan, kung nasa ay lunas, pagka’t ginhawa niya’y ginhawa ng lahat.

28.
Datapua’t ibigin ng lubos na lubos
sa lahat ng bagay itangi sa loob
at sa kalakhan niya’y dapat na iubos
ng malaking puso ang malaking linkod.