PAMANTASAN NG KATIPUNAN

Click here to edit subtitle

Ngayon, pagkatapos mapagal sa pagtataas ang ating kamay sa pagsusumamo, natagpuan na natin sa wakas ang ating sarili; unti-unti ang mga tinig natin ay pinanawan ng himig ng hinagpis dahil sa walang-humpay na pagmamakaawa; ngayon... itinataas natin ang ating ulo na malaong naugali sa pagyuko, at sinasapian tayo ng lakas dahil sa matibay na pag-asa na dulot sa atin ng katwiran at kadakilaan ng ating layon... Masasabi natin sa kanila nang buong karahasan na ang pagtawag na "Inang Espanya" ay wala kundi isang munting pagpaparangal lamang, na hindi ito dapat iwangki sa kapirasong damit o basahan na kinatatanikalaan nito, na nahihilahod sa lupa; na walang gayong ina at walang gayong anak; na may isang lahi lamang na nagnanakaw, isang bayan na tumataba sa hindi nito pag-aari, at may isang bayan na napapagal nang manatili hindi lamang sa kapabayaan kundi sa kadayukdukan; na wala tayong dapat pagtiwalaan kundi ang ating sariling kapangyarihan at sa pagtatanggol ng ating sarili. --ANG PINGKIAN

ANG CASAYSAYAN

Mula kay Jim Richardson



ANG SAMAHANG NAGTURO AT NAGAKAY SA BAYAN SA PAGHIHIMAGSIK


Kailan at saan itinayo ang "Samahang Kataastaasan, Kagalanggalang Katipunan n~g m~ga Anak n~g Bayan"?—Noong ika 7 n~g Hulyo n~g 1892, sa bahay na kinatirhan ni Deodato Arellano, na nasa daang Azcarraga, bilang 64, Binundok, Maynila.


Ano't itinayo ang Samahang binanggit?—Ganitó ang nangyari: si Rizal ay lumunsad sa Maynila n~g ika 26 n~g Hunio n~g Taong 1892. Pagkaraan n~g mahigit sa isang linggó, noong ika 6 n~g sumunod na buwan n~g Hulyo, si Rizal ay ipinatawag ni General Despujol na siyang pinaka-mataas na pinuno n~g Kastila dito sa atin noon at siya'y ipinapiit sa Fuerza de Santiago. Ang m~ga tunay na pan~gun~gusap ni Rizal sa nangyari, sa kanyang itó ay gayari, ayon sa sulat din niyá, na inihayag n~g kanyang matalik na kaibigan, ang nasirang si Mariano Ponce: "Noong miyerkoles—ani Rizal sa kanyang talaan—itinanong sa akin (ni General Despujol) kung ako'y nagpupumilit na magbalik sa Hongkong. Sinagot ko siya n~g oo. Makaraan ang ilang salitaan sinabi sa akin na ako raw ay maydalang m~ga proklama (m~ga pahayag) na kasama n~g aking m~ga damit at ariarian. Sinagot ko siyá n~g hindi. Itinanong sa akin kung kanino yaong m~ga unan at banig, isinagot kong sa aking kapatid. Dahil dito, ipinatanto sa aking ako'y kanyang ipabibilanggo sa Fuerza de Santiago." Si Rizal n~ga'y ibinilanggo. Nang maalaman ito ni Andrés Bonifacio ay nagalab ang kanyang loob. Pinulong sina Ladislao Diwa, Valentin Diaz, Ildefonso Laurel at si Deodato Arellano sa bahay na binanggit na may bilang 64, daang Azcarraga, at itinatag nila ang "Katipunan," na siyang pamagat sa daglian n~g binanggit na samahan.

Ano ang pakay n~g "Katipunan"?—Pagsamasamahin ang kalooban n~g m~ga pilipino sa isang layunin, "upang sa pagkakaisang ito'y magkalakás na iwasak ang masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landás n~g katwiran at kaliwanagan."


Ano ang ibig sabihin niyang "matuklasan ang tunay na landas n~g katwiran at kaliwanagan"?—Ang ibig sabihi'y iguho ang kapangyarihang makahari n~g España na nakasasakop sa Pilipinas at ang bayan natin ay magsarili sa kanyang kapangyarihan.




ANG PALATUNTUNAN N~G "KATIPUNAN"


May sarili bang palatuntunan ang "Katipunan"?—Oo. Náitó:

Dakila ang pakay n~g "Katipunan"

"Sa pagkakailan~gan na ang lahat na nag-iibig pumasok sa katipunang itó, ay magkaroon n~g lubós na pananalig at kaisipán sa m~ga layong tinutun~go at m~ga kaaralang pinaiiral, ay minarapat na ipakilala sa kanilá ang m~ga bagay na itó, at n~g bukas makalawa'y huwag silang magsisi at tuparing maluwag sa kalooban ang kanilang m~ga tutungkulin."

"Ang kabagayang pinaguusig n~g Katipunang itó ay lubós na dakila at mahalagá; papag-isahín ang loob at kaisipán n~g lahat n~g tagalog. (Sa salitang "tagalog", katutura'y ang lahat nang tumubo sa Sangkapuluang itó; sa makatwid, "bisaya" man, "iloko" man, "kapangpan~gan" man atb., ay "tagalog" din.")

"Alang-alang sa m~ga pagkukurong itó, kami'y payapang naghihintay n~ga pagwawagi n~g damdaming makabayan n~gayon at sa hinaharáp, sa pamagitan n~g isang mahigpit na panunumpa, upang sa pagkakaisáng ito'y magkalakás na iwasak ang masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landás n~g Katwiran at Kaliwanagan."

Una sa lahat ang pagibig sa bayan

"Dito'y isá sa m~ga kauna-unahang utos, ang tunay na pag-ibig sa bayang tinubuan at lubós na pagdadamayan n~g isa't isá."


Pantaypantay ang lahat


"Maralita, mayaman, mangmang, marunong, lahat dito'y magkakapantáy at tunay na magkakapatid."

Ang buhalhal na kaugalian

"Kapagkarakang mapasok dito ang sino man, tatalikdang pilit, ang buhalhál na kaugalian at paiilalim sa kapangyarihan n~g m~ga banál na utos n~g Katipunan."

"Ang gawang lahat na laban sa kamahalan at kalinisan, dito'y kinasusuklaman; kaya't sa bagay na ito'y ipinaiilalim sa masigasig na pakikibalita ang kabuhayan n~g sino mang nag-iibig makianib sa Katipunang itó."


Hindi tinatanggap ang mga taksil

"Kung ang han~gad n~g papasok dito'y ang tumalastás lamang n~g m~ga kalihiman nitó, o ang kilalanin ang m~ga naririto't n~g maipagbili sa isang dakot na salapi, huwag magpatuloy, sapagka't dito'y bantaín lamang ay talastás na n~g makapál na nakikiramdám sa kaniyá, at karakarakang nilalapatan n~g mabisang gamot, na laán sa m~ga sukaban."


Ayaw sa mga mabunganga


"Dito'y gawa ang hinahanap at gawa ang tinitingnán; kaya't hindi dapat pumasok ang di makagagawa, kahi't magaling magsalita."

Hindi kaginhawahan kungdi kahirapan at mabibigat na tungkulin

"Ipinauunawa rin, na ang mga katungkulang ginaganap n~g lahat n~g napapasok sa Katipunang itó, ay lubhang mabibigát, lalong-lalo na kung gugunitaín na di mangyayaring maiwasan at walang kusang pagkukulang na di aabutin n~g kakilakilabot na kaparusahán."

"Kung ang hangad n~g papasok dito, ang siya'y abuluyan n~g ginhawa't malayaw na katahimikan ng katawan, huwag magpatuloy, sapagka't mabigát na m~ga katungkulan ang matatagpuan, gaya n~g pagtatangkilik sa m~ga naaapi at madaluhong n~g paguusig sa lahat n~g kasamaan; sa bagay na itó ay aabutin ang maligalig na pamumuhay."

"Di kaila sa kan~gino pa mán ang m~ga nagbalang kapahamakán sa m~ga tagalog na nakaiisip nitong m~ga banál na kabagayan (at hindi man), at m~ga pahirap na ibinibigay n~g naghaharing kalupitán, kalikuan at kasamaán.


Ang halaga n~g "kuota"


"Talastás din naman n~g lahat ang pagkakailan~gan n~g salapi, na sa n~gayo'y isá sa m~ga unang lakás na maaasahan; magbibigáy buhay sa lahát; sa bagay na itó, kinakailan~gan ang lubos na pagtupád sa m~ga pagbabayaran; piso sa pagpasok at sa buwan-buwan ay sikapat. Ang salaping itó'y ipinagbibigay alam n~g nag-iin~gat sa tuwing kapanahunan, bukód pa sa mapagsisiyasat n~g sino man, kailan ma't ibigin. Di makikilos ang salaping ito, kung di pagkayarian n~g karamihan."


Ipagtangkilik ang kagalingan


"Ang lahát n~g pinagsaysay ay dapat gunitain at mahinahong pagbulaybulayin, sapagka't di magaganáp at di matitiis n~g walang tunay na pag-ibig sa tinubuang lupa ang tunay na adhikaing ipagtangkilik ang Kagalingan."

"At ng lalong mapagtimbáng n~g sariling isip at kabaitan."



MGA ARAL NG "KATIPUNAN"


Bukod sa Palatuntunan, may mga sariling aral baga ang "Katipunan" sa Bayan?—Oo. 

Tunghan ang m~ga sumusunod:


Ang dapat nating asalin sa kabuhayan

"Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isáng malaki at banál na kadahilanan, ay kahoy na walang lilim, kung di damong makamandag."


Kailan nagiging kabaitan ang gawang magaling

"Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindi sa talagang nasang gumawa n~g kagalin~gan, ay di kabaitan."


Ang tunay na kabanalan

"Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawanggawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawa't kilos, gawa't pan~gun~gusap sa talagang Katuwiran."

Ang m~ga tao'y magkapantaypantay

"Maitim man at maputi ang kulay n~g balát, lahat n~g tao'y magkakapantay; mangyayaring ang isa'y higtán sa dunong, sa yaman, sa ganda ... n~guni't di mahihigtán sa pagkatao."

Ang may kaloobang dakila

"Ang may mataas na kalooban ay inuuna ang puri sa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban ay inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri."

Dapat magkaroon n~g isang pan~gun~gusap

"Sa taong may hiya, salita'y panunumpa."

Ang panahon ay ginto

"Huwag mong sasayan~gin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; n~guni't panahong nagdaan na'y di na muli pang magdaraan."

Dapat sumapiling n~g inaapi

"Ipagtangól mo ang inaapi, at kabakahin ang umaapi."

Ang matalino'y mahinahon

"Ang taong matalino'y ang may pagiin~gat sa bawa't sasabihin, at marunong ipaglihim ang dapat ipaglihim."

Ang amá ay siyang pinaparisan n~g m~ga anak

"Sa daang matinik n~g kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot n~g asawa't m~ga anák; kung ang umaakay ay tun~go sa samâ, ang patutun~guhan n~g inaakay ay kasamâan din."

Ang katungkulan n~g lalaki para sa babai

"Ang babai ay huwag mong tignáng isáng bagay na liban~gan lamang, kungdi isáng katuwang at karamay sa m~ga kahirapan nitong kabuhayan; gamitan mo n~g buong pagpipitagan ang kaniyáng kahinaan, at alalahanin ang ináng pinagbuhata't nagiwi sa iyóng kasanggulan."

Ang ayaw mong gawin sa iyo....

"Ang di mo ibig na gawin sa asawa mo, anák at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anák at kapatid n~g iba."

Ang tunay na kamahalan n~g tao

"Ang kamahalan n~g tao'y wala sa pagkahari, wala sa tan~gos n~g ilong at puti n~g mukha, wala sa pagkaparing "kahalili nang Diyos," wala sa mataas na kalagayan sa balat n~g lupa; wagás at tunay na mahál na tao, kahi't laking gubat at waláng nabatid kungdi ang sariling wika, yaong may magandang asal, may isáng pan~gun~gusap, may dan~gal at puri; yaong di napaáapi't di nakikiapíd, yaong marunong magdamdám at marunong lumin~gap sa bayang tinubuan."

Ang katumbasan n~g buhay na ginugol

"Paglaganap n~g m~ga aral na itó at maningning na sumikat ang araw n~g mahal na Kalayaan dito sa kaabâabâng Sangkapuluan, at sabugan n~g matamis niyang liwanag ang nan~gagkaisáng magkalahi't magkakapatid n~g ligayang walang katapusán, ang m~ga ginugol na buhay, pagod at m~ga tiniis na kahirapa'y labis n~g natumbasán."


KASULATAN SA PAGSAPI

"Kung lahát n~g itó'y matarok na n~g nagiibig pumasok at inaakala niyáng matutupád ang m~ga tútungkulin, maitatala ang kaniyang ninanasâ sa kasunód nito:

"Sa Bg....

Ako'y si ... taong tubò sa bayan n~g.... hukuman n~g ... ang katandaan ko ay.... taon, ang hanap buhay ... ang kalagayan ... at nananahanan sa ... daan n~g ...

Sa aking pagkakabatid n~g kagalin~gan n~g m~ga nilalayon at m~ga aral, na inilalathala n~g KATIPUNAN n~g m~ga A.N.B., ninanais n~g loob ko ang makianib dito. Sa bagay na ito'y aking ipinamamanhik n~g boong pitagan, na marapating tanggapin at mapakibilang na isa sa m~ga anak n~g Katipunan: at tuloy nan~gan~gakong tutupad at paiilalim sa m~ga aral at m~ga Kautusang sinusunod dito.

... ika ... n~g buwan n~g ... n~g taong 189....

Nakabayad na n~g ukol sa pagpasok.

Ang Tagain~gat n~g Yaman."

KASULATAN SA PANUNUMPA

K.'. K.'. K.'. N.'. M.'. A.'. N.'. B.'.

By....

Aking ipinahahayag na sa kadahilanan n~g pagkapasok ko sa K.'. K.'. K.'. n~g m~ga A.'. N.'. B.'. ay naghandog akó n~g isáng mahalagang panunumpa sa n~galan n~g Bayang tinubuan, at sa harap n~g isang kagalanggalang na kapulun~gan nitong Katipunan, na gugugulin ang lahat na maigugugol at lahat n~g minamahal ko sa buhay, sa pagtatanggol n~g kaniyang banal na kasarinlan, hanggang sa abuting magdiwang, sukdang ikalagot n~g hinin~ga. Sa bagay na itó, isinusumpa ko ring lubos na tutupad at susunod sa kaniyang Patnugutan at m~ga Kautusan.

Sa katunayan nitó, aking itinala ang aking pan~galan n~g tunay na dugong tumatakás sa aking m~ga ugat sa pahayag na itó.

... ika ... araw n~g buwan n~g ... n~g taong 189....

"Tinaglay ko ang pamagat na."


ANG PAGPAPALAGANAP N~G "KATIPUNAN"

18.—Sinosino ang nagpalaganap n~g "Katipunan"?—Si Andrés Bonifacio at ang kanyang m~ga tapat at masisikhay na kasama na paraparang dukha na katulad niya. Ang pinakabatikan sa lahat ay si Emilio Jacinto, na kalihim n~g Katipunan."

19.—Matuturin~gan ba natin kung sinosino sila?—Oo. Ang unang tinanggap sa "Katipunan" ay si Restituto Javier, sa isang bahay sa daang Salinas (n~gayo'y Elcano) sa Tundo, na tahanan n~g isá sa m~ga nagtatag na si Valentin Diaz. Sumunod si Miguel Araulio, pamangkin n~g n~gayo'y Pangulo n~g Kataastaasang Hukuman. Pagkatapos ay siná Aguedo del Rosario, Aurelio Tolentino, Guillermo Masangkay, Alejandro Santiago, Briccio Brigido Pantas, José Turiano Santiago, Calixto Santiago, Emilio Jacinto, Nicomedes Carreon, Francisco Carreon, Mariano Carreon at iba pa.

20.—Mula ba n~g itatag ang "Katipunan" ay nagpatuloy sa pagpapalaganap ang m~ga nan~gan~gatawan?—Hindi. Nang m~ga sumunod na buwan n~g pagkakatatag ay di nagpamalas n~g kanyang pagsulong, pagka't ang nais ni Bonifacio ay huwág makapinsala sa pagpapalaganap n~g "Liga Filipina," na itinatag in Rizal at m~ga litaw na kababayan, karamihan ay mason, bago sumilang ang "Katipunan." Bago pa itatag ito ay may itinatag pang ibang kapisanan sina Bonifacio.

21.—Kailan pinan~gatawanan ang pagtatatag?—Nang mapagkilala ni Andrés Bonifacio na nawawalan n~g kabuluhan ang pagsisikap bagay sa "Liga." Kaya, naghalal na ang Katipunan n~g kanyang m~ga kinatawan sa isáng bahay sa daang Oroquieta, nayon n~g Santa Cruz, Maynila. At n~g sumunod na taong 1894, ay napatatag na n~ga ang m~ga Balan~gay at Sangguniang Bayan.

22.—At ano pa ang kanilang ginawa?—Itinatag na rin ang Tatlong Baytang n~g "Katipunan". Naitó: "Katipunan" ang pamagat n~g unang baytang. Kung nasa pulong ang m~ga kasama sa baytang na itó, ay gumagamit n~g isáng kaputsang itim na may isáng triángulo na kinalalagyan n~g m~ga titik na "Z," "Ll" at "B," na ang kahulugan ay "Anak n~g Bayan." Sila'y may m~ga hudyat na salita na pinagkakakilanlanan. Kapag binigkás ang salitang "Anak" ang isinasagot n~g tinatanong ay "n~g Bayan." "Revolver," sandata o gulok ang tinataglay n~g m~ga nagsisidaló sa pulong n~g baytang na itó.

"Kawal" naman ang pamagat n~g Ikalawang Baytang. Lungtian ang kulay n~g kaputsa na ang kahulugan ay pag-asa. Puti ang sintás at m~ga titik n~g triángulo. May suot na sintás na lungtian na sa dulo ay may isang "medalla" na may isang "K" sa gitna at may sinag at sa dakong mababa ay nakakabit ang magkasabát na isang watawat at espada. Ang m~ga hudyát o mahal na salita'y "Gom-Bur-Za," na ang katutura'y Gomez, Burgos at Zamora, tatlong paring pilipino na ipinabitay n~g pamahalaang Kastila n~g ika 28 n~g Pebrero, 1872, kahima't di tunay ang ibinubuhat na kasalanan sa kanila.

Pinamagatang "Bayani" ang Ikatlong Baytang. Kaputsang pulá na may listong lungtian ang isinusuot n~g m~ga kasapi. "Rizal" ang hudyat na salita, bilang pagtulol sa walang katwirang pakakapabilanggó sa kanya. Itinatag n~g araw ding iyon (ika 7 n~g Hulyo, 1892) ang "Katipunan." Ang m~ga kasapi sa ikatlong baytang na ito, ay siya lamang nakatatalos n~g m~ga tunay na adhikain n~g "Katipunan."

23.—Sa papaanong paraan nagkakakilanlanan ang m~ga magkakasama sa "Katipunan"?—May isáng paraan. Upang magkakilanlan ang m~ga magkakasapi ay itinatagop ang kanang kamay sa dibdib sa tapat n~g puso at kung gapós—noong panahon n~g kastila'y ginagapos n~g abot-siko ang sino mang hulihin kahí't sa anong kasalanan—ay itinitiklop ang m~ga daliri, maliban lamang ang hintuturo at ang kalingkin~gan na paraparang inauusli.

24.—Sinosino naman ang nagsisibuo n~g "Katipunan"?—Sa bawa't bayan ay may m~ga "Balan~gay," at "Sangguniang Hukuman," na siyáng kapangyarihang nagaayos at humahatol sa m~ga sigalot at alitan n~g magkakapatid sa loob n~g "Katipunan." Ang m~ga balan~gay ay nasasakupan n~g Kataastaasang Pan~guluhan na pangsangkapuluan.

25.—Sa papaanong paraan ginagawa ang pagkuha n~g kasapi?—Sa bawa't pook ay nagtatayo n~g isáng wari'y lupon na kung tawagin ay "Hasik" na binubuo n~g tatlo katao na parang tatlong tungko. Ang "Hasik" na ito ang siyáng sa inot-inot ay nanghihikayat upang may sumapi sa "Katipunan." Pagdamidami na n~g m~ga kasangayon ay saka pa lamang itinatayo ang "Balan~gay" na pinamumunuan n~g isáng lupon na ang m~ga tunkulin ay tulad din n~g sa Kataastaasang Lupon. Ang m~ga "Hasik" na yaon, ay di na ipinagpatuloy n~g malapit na ang tangkang panahon sa paghihimagsik, pagka't ang m~ga taong baya'y halos naguunahan nang sila'y mapabilang sa "Katipunan."



ANG MAHIGPIT NA PAKIKIBAKA N~G "KATIPUNAN" SA KANYANG KABUHAYAN

31.—Tinanggap ba n~g lahat na Pilipino ang m~ga Palatuntunan, Aral at Gawain n~g "Katipunan"?—Hindi. Gaya n~g sinabi na, ang "Katipunan" ay itinatag noong ika 7 n~g Hulyo n~g 1892. Sa buong taong sumunod, 1893 ay hindi pa lumalaganap, sanhi sa maraming kadahilanan.

32.—Maari bang isaysay?—Oo. Ang kaunaunahan ay ang kabaguhan n~g layunin at paraan n~g samahan, gaya n~g nakita na natin, ay may kahirapang ilaganap sa bala na kundi pipiliin muna bago hikayatin. Tan~gi sa rito, si Bonifacio na rin ang kusang nagpauntol-untol sa pamanhik n~g m~ga kababayang nagsisibuo noón n~g "Liga Filipina," na lahat halos ay m~ga pilipinong litaw, nakakakaya't may pinagaralan, na nagsisiasang sa pamamagitan n~g "Ligang" yaon, ay makukuha n~g bayang pilipino "sa loob n~g kapayapaan" ang pagsugpo sa masasama't hidwang pamamalakad dito sa atin n~g pamahalaang kastila at n~g m~ga "fraile." Ganitó ang pan~gunang layon n~g "Liga Filipina" na itinatag nina Rizal at m~ga kapatid niyang "masón" at ibá pa. Si Bonifacio man ay nagíng kasapi rin doon.

33.—Di ba't ang "Katipunan" ay humuwad sa "Masoneria" n~g pamamaraang ginagamit nito sa pagtanggap n~g kasapi at gayondin sa ilang kuro n~g kaniyang adhikain?—Oo na n~ga. Subali't ang kapatiran n~g m~ga "masón," ay kasalun~gat ni Bonifacio ukol sa paraan na kinakailan~gang gamitin upang maghari dito sa Pilipinas ang Katwiran at Kalayaan at masugpo ang kalupitan at kasamaang inaasal n~g m~ga "fraile" at n~g Pamahalaang Kastila sa pilipino. Ang "Masoneria" at ang "Katipunan" ay nagkakaisá sa kanilang han~gad na pagtubós sa Bayang Pilipino. Datapwa, ang una'y ibig makuha ang katubusang yaón sa loob n~g kapayapaan sa pamamamagitan n~g pagpapalaganap n~g kaniyang magagandá't makataong simulain; samantalang ang nais at han~gad n~g huli'y ang paghihimagsik, yayamang napagkita na rin lamang na ang m~ga naghahari noon dito sa atin—ang pamahalaang Kastila't m~ga "fraile"—ay hindi makuha sa samo, pakiusap at pan~gan~gatwiran, bagkús ang itinutugón sa ginawi n~g m~ga "masong" siná Rizal, Del Pilar, Lopez Jaena, Regidor, Cortez at ibá't ibá pa ay ang sila'y ipalagay na "kaaway n~g España at n~g Dios," at marami sa kanilá at sa kanilang m~ga kabig ang napabilanggo, napatapon sa malalayong bayan at pinapagdusa sa m~ga bilangguan, kahima't walang nagawang kasalanan.

34.—Sa makatwid ang m~ga "mason" at ang m~ga mayamang pilipino'y hindi kaayon n~g "Katipunan"?—Hindi, kundi bagkús pang kasalun~gat. Nang lumalaganap na ang "Katipunan" ang m~ga "mason" at ang kanilang m~ga "logia," ay paraparang nagsikilos upang sugpuin ang paglago n~g "Katipunan" at ang mabalasik na pagpapalaganap ni Andrés Bonifacio, di sa dahilang sila'y kampi sa pamahalaang kastila at sa m~ga "fraile," kundi sapagka't kailan man ang m~ga "masón," ay "ayaw ipaghiganti sa pagbubuhos n~g dugo ang m~ga kaapihang tinatamó." Ang "Katipunan" nama'y ang ibig ay "n~gipin sa n~gipin," at ayaw gantihin n~g tinapay ang bató, kundi bató rin. Kaya nama't isá sa m~ga aral n~g "Katipunan" ay, nahahawig doon sa "ang di mo ibig na gawin sa iyo, ay huwág mong gawin sa iyong kapwa."

35.—Maaari bang isaysay ang ilang pangyayari ukol diyan?—Oo. N~guni't bago banggitin ang ilang pangyayari ay kailan~gan munang sabihin na, sa loob n~g "Masonería," ayon sa kaniyang palatuntunan, ay di tinatanggap ang m~ga manggagawang hamak, na ang kabuhaya'y "isang kahig, isáng tuka"; pagka't upang maging "mason," isa sa m~ga pan~gunahing kailan~gan ay ang ikaw'y may sapat na kinikita upang buhayin ang iyong asawa't m~ga anak at may kaunting halagang nalalabis, na isasagot sa m~ga pan~gan~gailan~gan n~g kapatiran at maiambag sa sinomang kapatid na nasa sa isang kagipitan. Dahil dito ay sukat n~g mataho na ang m~ga "masón" ay m~ga taong nakakakaya at ang m~ga katipunan ay yaong m~ga taong hindi matatanggap sa "Masonería," na m~ga anak pawis, m~ga dukha't maralita. Sapagka't noo'y mayayaman at mahihirap na pilipino'y paraparang inaapi at pinahihirapan n~g pamahalaang kastila't n~g m~ga "fraile" kung kaya't lahat ay nagtataglay n~g isang layunin: maputol lahat ang kaapihan. Nagkakaibá n~ga lamang sila sa kaparaanang ginagamit sa ikapagtatagumpay n~g kanilang layon.

36.—Ano ang ginawa n~g m~ga "mason" kay Bonifacio at sa "Katipunan"?—Dapat munang sabihin na si Bonifacio ay "masón" din. Siya'y "segundo vigilante" sa "Logia Taliba," na ang "Venerable," ay ang binaril n~g m~ga kastilang si Luis Encino Villareal at ilan sa kasamahan ni Bonifacio sa "Katipunan" ay m~ga kamukha rin niyang "masón." Isáng araw ay ipinatawag si Bonifacio n~g m~ga namumuno sa kanyang "logia" at, siya'y hinihikayat na itigil ang "Katipunan," pagka't ang katwiran n~g m~ga humihikayat sa kanya'y ang kawalan n~g m~ga baril, kanyon, sandata at salapi na totoong kinakailan~gan sa paghihimagaik na gagawin n~g "Katipunan," na kung mapipilan ay siyang lalong kasawian n~g bayang pilipino. Pagkatapos na marinig n~g amá n~g "Katipunan" ang gayong m~ga pan~gan~gatwiran, ay di umimik kamuntik man, kinuha ang kanyang sambalilo at sabay ang pagsasalitang "Diyan na kayó, puro kayo wikang kastila." Isang araw nama'y nagsadya si Bonifacio sa bahay n~g nasirang si Antonio Luna upang ipatalastás dito ang gagawing paghihimagsik n~g "Katipunan." Pagkatapos na mapakinggan ni Luna ang m~ga pan~gun~gusap ni Bonifacio, ay nagsabi: "¿Anó ang ating ilalaban, itong ating m~ga ...? Kung si Napoleon ay naging Napoleon, ay sapagka't bukod sa siya'y may pusong matapang, ay maytalino pa, at, bukod sa lahat n~g iya'y may salapi." Nang ipinakilala naman ni Bonifacio kay Francisco Roxas, isá rin sa m~ga ipinabaril n~g pamahalaang kastila, ang hinahan~gad n~g "Katipunan," ay sinabi ni Roxas na siya'y ayaw makinig n~g m~ga kabalbalan at kaululan.

37.—Si Rizal ba'y kasangayon sa paghihimagsik na ginawa n~g "Katipunan"?—Hindi. Sa kaniyang m~ga aklat, tula at sulat, ay napagkikilalang ang adhikang katubusan n~g Pilipinas, ay ibig niyang makamtan sa pamamagitan n~g karunun~gan at kadakilaang asal muna n~g kanyang m~ga kalahi, bago isipin ang ibáng paraan. Isang araw n~g buwan n~g Mayo ná 1896 ay sinugo ni Bonifacio si Dr. Pio Valenzuela (itó lamang ang kasaping may título sa "Katipunan") na makipanayam kay Rizal sa pinagtapunan dito sa Dapitan, Mindanaw, upang ipatalastás sa kanyá ang nais n~g "Katipunan" na maghimagsik nang maiwasak ang kapangyarihan n~g España dito sa Pilipinas. Si Rizal ay sumalun~gat sa ganyang nais. Kinabukasa'y dalidaling lumulan sa bapor ang sugó n~g amá n~g "Katipunan," at umuwi sa Maynila, bagama't may tangkang manatili pa n~g m~ga ilang araw dóon. Nang malaman ni Bonifacio ang ikinaaayaw ni Rizal sa paghihimagsik ay sinabi ang ganito: "¿At saang aklat nabasa ni Rizal na bago maghimagsik ay kailan~gang magkaroon muna n~g sandata at salapi?"

38.—Ang ibig bang sabihin niya'y kalaban ni Rizal at n~g m~ga "mason" si Bonifacio at ang "Katipunan"?—Malayo. Si Rizal at halos ang marami sa m~ga "mason" ay m~ga taong may taglay na kakayahan sa isip, ay nagsisipaniwala na bago gawin ang isang napakalaking gawain, katulad n~g paghihimagsik ay kailan~gan muna ang m~ga baril, sandata at salapi upang magtagumpay, tan~gi sa iyang magbuhos n~g dugo sa ikasusugpo n~g m~ga pangaapi ay talagang nahihidwa sa m~ga aral n~g "Masonería" sa kanyang m~ga kampon. Datapwa, ang m~ga dukha, manggagawa, m~ga maralita, na m~ga hamak na taong bayan, dito sa atin at saan pa man, ay kapag niyakap ang isang gawain at napagkilalang kailan~gang gawin sa ikasusunod n~g isang dakilang layunin, ay di na nagtutumigil n~g pag-iisip at karakaraka'y ginagampanan sa pamamagitan n~g salitang "¡Bahala na!". Ang "bahala" nang ito, ay makikita natin na siyang nagligtás sa bayang pilipino n~g m~ga panahong yaón at naghatíd sa atin sa tagumpay. At iyan ding m~ga salitang iyan ang nagligtas sa ibang m~ga bayan sa kuko n~g m~ga manglulupig na hari't mahadlikáng umiinís sa m~ga anak-pawis at dukha.












"Sa inyong lahat ipinatutungkol ang pahayag na ito. Totoong kinakailan~gan na sa lalong madaling panahon ay putlin natin ang walang pan~galang panglulupig na ginagawa sa m~ga anak n~g bayan, na n~gayo'y nagtitiis n~g mabibigat na parusa at paghihirap sa m~ga bilangguan, na, sa dahilang ito'y mangyaring ipatanto ninyó sa lahát n~g m~ga kapatid na sa araw n~g Sabado, ika 29 n~g kasalukuyan, ay puputok ang paghihimagsik na pinagkasunduan natin, kaya't kinakailan~gang sabaysabay na kumilos ang m~ga bayan-bayan at sabaysabay na salakayin ang Maynila. Ang sino pamang humadlang sa banal na adhikaing itó n&




MGA PARAANG GINAGAWA SA PAGSAPI SA "KATIPUNAN"


26.—Papaano ang pagsapi?—Sa pagtanggap n~g pakikisapi ay tinularan, bagama't di lubós, ang ginagawa n~g "Masonería." Bawa't kasapi ay may mahigpit na tungkuling manghikayat n~g bagong makakasama at sa pananagutan niya ay inihaharap sa "Balan~gay" ang kanyang nahikayat. Datapwa, bago gawin ito ay sinusuri munang mabuti ang ugali, pagkukuro, kalagayan at kabuhayan n~g isasapi at baka di kabagáng n~g m~ga taong "Katipunan." Kung mapatunayan na siya'y may tapat na loob ay saka pa lamang gagawin ang pagtanggap.

27.—Papaano ang ginagawa sa pagtanggap?—Ang bagong kasapi'y pinipirin~gan at ipinapasok sa isáng silid na itiman ang kulay n~g m~ga panig at bahagya nang naiilawan, pagkatapus ay inaalisan n~g piring. Sa m~ga panig n~g silid ay may m~ga nasusulat na ganitó:

"Kung may lakás at tapang, ìkaw'y makatutuloy"

"Kung ang paguusisa ang nagdalá sa iyó dito'y umurong ka."

"Kung di ka marunong pumigil n~g iyong masasamang hilig, umurong ka; kailan man ang pintuan n~g May-kapangyarihan at Kagalanggalang Katipunan n~g m~ga Anak n~g Baya'y bubuksan dahil sa iyó."

Sa ibabaw n~g isáng dulang ay may isáng bun~go, isáng "revolver" at isáng gulok. May isáng papel na kinasusulatan n~g m~ga sumusunod na tanong:

I—"Anó ang kalagayan nitóng Katagalugan n~g unang panahon?" (Sa salitang Katagalugan ay kasama na ang Kabisayaan, Kailokohan at lahat na n~g Kapilipinuhan.)

II—"Anó ang kalagayan sa n~gayon?"

III—"Anó ang magiging kalagayan sa darating na panahon?"

28.—At ano-ano ang isinasagot sa m~ga tanong na iyan n~g ibig sumapi?—Ang kasagutan, humigit kumulang n~g sino mang ibig sumapi, ay ganito:

Ukol sa unang tanong: Na, nang dumating dito sa atin ang m~ga Kastila n~g ika-16 n~g Marzo n~g taong 1521, ang m~ga pilipinong naninirahan sa m~ga baybayin ay may pagkaalam na sa maayos na kabuhayan at pamamayan. Noon n~ga, tayong m~ga pilipino ay may kalayaan na sa pamamayan; may m~ga kanyon; maalam na tayong magsuot n~g m~ga damit na sutla; nakikipagunawaan na tayo sa pan~gan~galakal sa m~ga karatig na bayan sa Asia. Tayo'y may sariling pananampataya o relihiyon, may sariling titik o sulat, na anopa't, lumalasap tayo n~g kalayaan at kasarinlan.

Ukol sa ikalawang tanong: Na ang m~ga fraile na kung tawagin ay m~ga "kahalili" raw, sila n~g "Diyos", ay pawang kabalbalan ang itinuro sa m~ga pilipino. Hindi tayo tinuruan n~g tunay na Karunun~gan sa buhay at sapagka't kung tayo'y man~gatuto ay hindi nila mauulol at sa ganya'y di nilá mahuhuthot ang ating kayamanan. Ang itinuro sa atin n~g m~ga "fraile" ay ang maling pananampalataya na nakikilala sa pagdaraos n~g sunod-sunod na m~ga pistá na kinahuhulugan n~g ating salapi at kayamanan sa kapakinaban~gan n~g m~ga "fraile" at Kombento. Ang m~ga "fraile" ay siyang mahigpit na kalaban n~g ikatatalino at ikabibihasa n~g pilipino (tagalog kung isulat n~g m~ga Katipunan) na sa katunaya'y ayaw sila na tayo'y man~gatuto n~g wikang kastila. Anopa't lahat na n~g karain~gan sa panglulupig, panggagahasa, m~ga kasagwaan, pagtin~gin sa pilipino na parang iba sa pagkatao kaysa m~ga Kastila na ginagawa n~g m~ga "fraile" ay siyang isinasaysay sa ikalawang tanong na ito. Sa kahulihuliha'y idinadaing din naman ang malabis na pagkiling n~g pamahalaang kastila sa m~ga "frayle," pagsunod sa kanilang m~ga bilin laban sa bayan, paniniwala sa m~ga sumbong n~g m~ga yaon, kahima't lisya sa matwid, at pagtanggi na ang m~ga pilipino ay bigyan n~g kalayaan sa pamamayan, at sa paggawa n~g ikalulusog sa dunong, sa buhay at sa pan~gan~galakal.

Ukol sa ikatlong tanong: Na ang madlang kasamaang binanggit sa m~ga naunang tanong ay malulunasan; ang m~ga lupang malalawak na inangkin n~g m~ga kombento sa ating m~ga ninuno ay mapapasaulî sa bayan; ang m~ga mamamaslang ay maibubulid sa ban~gin n~g kamatayan; ang m~ga paring kababayang sina Gomez, Burgos at Zamora ay maipaghihiganti at ang kalayaan at kasarinlan n~g Bayang Pilipino ay matatamo sa hinaharap kung ang m~ga kasapi ay maypagasa, tiyaga, tapang at pagkakaisa sa pagsunod sa m~ga aral at pasyá n~g "Katipunan."

29.—Kung makasagot na ba n~g ganyan ay tinatanggap na?—Hindi pa rin. Ang kapatid na "Mabalasik" ay siyáng nagsasabi sa sinusubukan na lubhang dakila ang hakbang na yaon sa kanyang buhay. Ipinaaalaala na siya'y maaaring umurong kung walang taglay na tapang, upang huwag masayang ang kanyang buhay. Kung ang sumasapi ay magpumilit din sa paganib sa "Katipunan," ay saka siyá ihaharap, na may piring din, sa m~ga kapatid na nan~gagkakatipon nang siya'y tanggapin. Ang tapang at kabuoan n~g kanyang loob ay sinusubok sa ilang paraan. Minsa'y bigyan n~g gulok at iutos na tagain ang kalaban na pumapaslang sa m~ga kalahi; naiyan ang sabihin na saklolohan ang kapatid na makukulong n~g apoy, na, sa pagsasalita n~g gayon, ay talagang nagsusunog n~g m~ga papel upang maramdaman ang init n~g nin~gas n~g sinusubukan. Kung hindi magpakitang takot, aalisan na n~g piring at palalagdain sa kasulatan n~g panunumpang inilathala sa unahan, na ang pinakatinta ay dugong kinukuha n~g isáng palalim sa kanyang kaliwang bisig.

30.—Anong wika ang ginagamit n~g m~ga kasapi sa "Katipunan"?—Ang tagalog; n~guni't ang kahulugan n~g ilang titik n~g abakadang kastila ay iniba sa kanilang pagsulat n~g m~ga kasulatan at gayon din sa paglagdá n~g kanilang m~ga sagisag. Ang titik na "a" ay ginawang "z", ang "c" at "q" ay ginawang "k", ang "i" ay "n", ang "l" at "ll" ay "j" ang "m" ay "v", ang "n" ay "ll", ang "o" ay "c" at ang "u" ay "x". Ang f, j, v, x at z n~g abakadang kastila ay itinakwil pagka't hindi kailan~gan. Sa maliwanag na ulat ay ganitó ang Abakadá (alfabeto) n~g "Katipunan" kung itutulad sa abakada n~g wikang Kastila.


Abakada    Abakada

n~g kastila n~g "Katipunan"

A .................. Z

B .................. B

C .................. K

D .................. D

E .................. Q

G .................. G

H .................. H

I .................. N

K .................. K

LL.................. J

M .................. V

N .................. LL

O .................. C

P .................. P

Q .................. K

R .................. R

S .................. S

T .................. T

U .................. X

W .................. W

Y .................. Y


Mula sa mga Dokumento ni Dr. Jim Richardson-AGMM